Tour Leyte

Tour the beautiful island of Leyte
Register to participate in Leyte Forum section and to post your own Articles and Photos. Click Register.

Transcript of interview with Sen. Manny Villar

Q: Nag-usap daw kayo ni Pangulong Arroyo?

Villar: Simula nang ako ay tanggalin na Senate president ay hindi pa kami nag-uusap ng ating Pangulo at ating First Gentleman. Wala kaming pinag-uusapan. Kaya ako ay nalulungkot na sobrang paninira iyan. In fairness to Gibo, up to now nakikita naman namin sa field pangatawan naman ng Pangulo. Nacionalista Party ang ating organisasyon, pinapalaki po natin iyan. Nakahanda po ang partido na pangatawanan ang kampanyang ito. ang ginagastos ko naman po ay largely pera ko naman at hindi naman ako umaasa kaninuman lalong-lalo na sa pangulo.

Q: Kahit anong pag-uusap ho walang nangyari?

Villar: Walang nangyari na pag-uusap. Nililiwanag ko iyan para makita ng ating mga kababayan na paninira na naman ito. Sunod-sunod na naman ang paninira sa akin pero ako naman ay tuloy-tuloy lang sa kampanya. Nililiwanag ko na hindi kami nag-uusap ng Pangulo at ng First Gentleman. The last time na nag-usap kami ay noong ako pa ay Senate president, napakatagal nang panahon at iyon ay mga formal functions lamang. Hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang mga ganyan.

Q: Doon daw kayo sa bahay ni Mike Defensor nag-usap?

Villar: Alam mo, hindi pa ko nakakarating sa bahay ni Mike Defensor kaya nagtataka ako kung ano na namang rumor iyan. Pangalawa, si Mike Defensor pala nung panahong iyon ay nasa Middle East kaya natatawa din siya. Pero nililiwanag ko, ang nakakatawa diyan sa rumor na iyan ay ni hindi pa ako nakakapunta sa bahay ni Mike Defensor bagamat kaibigan ko si Mike. Hindi pa ako nakakarating sa bahay niya at certainly hindi ko nakakausap ang Pangulo at ang First Gentleman sa bahay ni Mike at sa ano mang bahay at sa ano mang lugar.

Q: Ano po ba ang posisyon ninyo kay Pangulong Arroyo kapag kayo ay nahalal bilang president?

Villar: Nandiyan ang hustisya natin kung may maghahabol sa Pangulo. Hindi naman ako makikialam diyan, let justice take its course. Kung may kasalanan naman ay syempre dapat namang magdusa. Meron tayong judiciary, hindi po tayo makikialam diyan. Maraming magdedemanda sa pangulo, hindi po natin ipagtatanggol ang pangulo bahala po siya sa kanyang sarili.

Q: Pati po asawa ninyo binabanatan ni Jamby Madrigal pati po ng dating Pangulong Estrada?

Villar: Alam mo masyado nang dumadami na iyan at pati asawa ko. Close naman po kaming mag-asawa, kami po ay magkaklase noong kolehiyo pa lang. Inaamin ko po na kami ay malapit, simple lamang po ang aming pamilya at malapit po kami sa isa’t isa. Pero lahat po naman ng kaibigan namin ay makakapagsabi na sa larangan ng pulitika ay hindi nakikialam sa akin ang aking asawa.

Q: Ano ang maipapayo ninyo kay Madrigal?

Villar: Ire-refer ko na lang sa kanya ang aking barber. Gusto raw niya ang aking buhok.

Q: Kino-consider nyo ba siya na isang totoong kalaban?

Villar: Hindi naman. Okay lang naman kung ano man ang kanyang papel. Hindi naman ako nakikialam. Ako naman ay hinahangad ko rin ang kanyang kaligayahan.

Q: Ano po ang inyong posisyon doon sa sinasabing dapat mag-leave of absence, kasi maraming nag-eendorse sa inyo like si Willie, Sarah?

Villar: Unang-una, ako naman ay nagtataka noong may mag-endorso sa akin ay parating nagiging issue. Noong maraming nag-eendorso sa ibang kandidato, hindi naman napapag-usapan iyan. Bakit naman mali sa akin mag-endorso, hindi mali mag-endorso sa iba. Iyon lang naman ay tampo lang kasi alam mo namang noong September-October, halos lahat ng artista ay may ineendorsong iba. Hindi naman napapag-usapan iyon. Noong may mag-endorso sa akin na mga tatlo o apat, biglang dumami na ang nagtatanong sa akin, bakit daw ganyan, pinakikialaman mga artista. Ito namang mga artistang kong ito ay pawang laki sa hirap. Talaga namang meron kaming pinagsamahan din, meron kaming pagkakapareho. Si Dolphy halimbawa ay laki sa Tondo, si Willie ay talagang laki din sa hirap at si Michael V laki din sa hirap at si Sarah Geronimo. Yung mga nage-endorse sa akin ay pawang mga laki sa hirap. Iyan siguro ang kadahilanan kung bakit nagkakaintindihan kaming lahat.

Q: Totoo ho ba na binayaran ninyo si Sarah Geronimo ng P20 million?

Villar: Wala kaming binabayarang ganyan. Yung sinasabi nga sa akin na paano ko babawiin, parang nakakainsulto na rin. Kasi parang hindi ka tutulungan kung hindi mo babayaran. In fairness to these people na tumutulong sa akin, hindi naman. May pinagsamahan naman kami at may kadahilanan kung bakit sila ay kasama ko. Ano man ang mangyari, manalo o matalo ako, mga kasama ko po iyan. Makikita nyo rin sa mga darating na panahon na ang mga iyan ay magiging kaibigan ko rin. Makikita ng mga kababayan natin na kasama ko pa rin sila maski tapos na ang eleksyon.

Q: Hindi po sila nabayaran?

Villar: Hindi.

Q: May nagsasabi na pukpukan kayong dalawa ni Noynoy dito sa Southern Tagalog, particularly sa Biñan, Laguna.

Villar: Okay naman sa akin iyon. Masaya na ako doon. Kasi kung natatandaan ninyo, napakalaki ng hinabol kong kalamangan at talagang sipag at tiyaga iyan. Ang laking hirap din naman ang ating nagawa para makaabot. Ako naman ay natutuwa na sa buong kapuluan ay mainit na ang labanan ngayon. At least ngayon ay maganda na at patas na ang labanan, magkakaroon na ng pagkakataon ang ating mga kababayan na talagang husgahan kung sino ang may kakayahan na mamuno ng ating bansa.

Q: How can you disabuse ng minds of the public na hindi ikaw ang secret candidate ni GMA?

Villar: Nasabi ko na ang lahat ng dapat sabihin, sinasabi ko na nga na hindi pa kami nagkikita. Ang palagay ko nga baka sila ang secret candidate kaya ibinabaling lang nila sa akin. May mga posibilidad kasi marami rin silang kamag-anak na kay GMA pa.

Q: On the Comelec resolution on endorsement

Villar: Hindi ko alam kung ano ang resolution ng Comelec pero nililiwanag ko na ang nag-eendorso na actors, konti lang ang sa akin. Alam mo na kung sino ang mas marami, may sulo pa nga.

Q: Hindi kayo masyadong maaapektuhan kung ipagbabawal iyon?

Villar: Sa akin kasi, karapatan ng mga artista iyon, Filipino rin kasi sila, tao din iyan. Kung sino ang gusto nila, bakit natin pakikialaman iyan? Sila naman ay may karapatan din kagaya ng bawat isa sa atin. Bakit naman natin sila aalisan ng karapatan na sabihin ang gusto nila?

Q: Tutol kayo?

Villar: Sa akin, Filipino iyan. Tao din iyan, botante din iyan, may karapatan silang mamili ng kandidato nila. Bakit naman natin isu-suppress ang kanilang karapatan na pumili ng kanilang magugustuhan?

Q: Without the endorsements, mas lamang kaya kayo kay Sen. Noynoy kasi kayo ang may pera?

Villar: Malaking kalamangan din kung anak ka ng Presidente. Malaking kalamangan kung may kapatid kang artista. Malaking kalamangan din kung ang running mate mo ay may asawang celebrity. Pantay-pantay lang naman iyan kapag sinama mong lahat. Kaya sa akin, hindi na issue iyan. An gating mga kababayan ay matatalino naman, nalalaman naman nila. Tinangka ko lang na pantayin nang sa ganoon ay kaming lahat ay naririnig. Pero hindi ko naman tine-take against them ang kanilang kapalaran, swerte naman sila. Ako naman ay walang ganyang swerte binabawi ko naman sa ibang paraan.

Q: Sa Fair Elections Act, pinapayagang mag-endorse ang mga taga-showbiz pero magre-resign sila o magli-leave of absence.

Villar: Dapat ang mga ganyang tanong ay matanong sa aming lahat.

Q: Hindi naman kayo maapektuhan kasi konti lang nag-eendorso sa inyo?

Villar: Oo, konti lang, yun lang mga laki sa hirap.

Q: Bakit tayo bumalik ng Laguna?

Villar: Naiwan ko ito, medyo nahuli ako ng dating at sa Calamba na ako nagsimula noong tanghali dahil marami akong meeting sa Maynila noong umaga. Nahihiya naman ako sa ating mga kaibigan dito kaya binalikan ko. Ang pupuntahan ko ngayon ay Biñan, Sta. Rosa at dadalaw din ako sa Cabuyao.

Q: May issue na nagkita daw kayo sa gabi ni PGMA?

Villar: Iyan na naman. Malaking kasinungalingan na naman iyan. Hindi ko nakikita talaga ang pangulo, hindi kami nag-uusap ng Pangulo. In fairness to her, sabi ko nga, kapag nakita mo sa field, talagang matibay ang kanyang pagkakampanya para kay Gibo. Sa akin naman, ako ay umaasa sa lakas ng Nacionalista Party hanggang sa ngayon at pera ko naman ang ginagastos ko.

Q: Kung sakaling kayo ang maging Pangulo, ano ang plano ninyo kay Sen. Lacson? Kasi may nagsasabi babalik daw siya kapag iba na ang president?

Villar: Ako naman ay hindi nakikialam kay Sen. Ping, alam niya ang ginagawa niya. Ako naman ay isang tao na hindi mahilig makialam sa ibang tao. Sa maniwala o hindi ang ating mga kababayan, hindi ako masyadong mahilig makialam. Ako ay naka-focus sa aking ginagawa ngayon sa pagkakampanya. Meron tayong justice system at iyon ang bahala na lang kung ano ang mangyayari doon. Ni hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Sen. Ping, at sa iba nating kasamahan sa pulitika.

Q: Hindi madidikdik si Sen. Ping kapag kayo ang naging Presidente?

Villar: Hindi, walang pagbabago. Sabi ko nga, meron tayong sistema ng gobyerno at walang madadagdag diyan laban sa kanya.

Q: Wala ring special privilege?

Villar: Wala namang special privilege at wala ring special prosecution. Kung ano ang ngayon, iyon din. Walang pagbabago iyan. Tandaan natin na there is a rule of law, napakahalaga na ibalik natin ang integridad ng hudikatura.

Q: Kandidato sa pagka-Chief Justice ang judge sa Lacson case, kung kayo ang magiging pangulo…

Villar: Sa akin kasi, to be fair with anyone, mahirap namang husgahan iyon kung dapat o hindi. Unang-una hindi ko naman alam status niyan, hindi ko naman siya kilala. Iniiwan dapat ng pangulo iyan sa Judicial and Bar Council. Dapat kasi sila ang nakakaalam kung sino ang karapat-dapat talaga sa aking Judiciary. Hangga’t maari ang pangulo ay hindi dapat nakikialam sa Judiciary. Dapat ibalik ng magiging Pangulo ang integridad ng ating Judiciary.

Q: Yung wanted posters, kailangan ba iyon kay Lacson?

Villar: Bakit naman kailangan pa iyon, nasa diyaryo na, headline na. pero sa akin, muli, hindi ako makikialam sa gagawin ng Judiciary. Naniniwala ako sa ating sistema ng gobyerno na ang Judiciary ay separate branch ng ating gobyerno. Hindi iyan dapat pinakikialaman ng Pangulo o Senador.

Bookmark and Share

Posted in Local News 5 months, 2 weeks ago at 4:07 am.

1 comment

One Response to “Transcript of interview with Sen. Manny Villar”

  1. 1
    Home Massage Says:

    We all are under the impression NoyNoy is the foremost logical selection for the presidency in the Philippines, not really because he’s the son of heroes Cory as well as Benigno Aquino but because he is the smaller evil amongst the candidates. For sure we can explore about the Hacienda Luisita killings however in the end of the day his oppositions possess significantly even worse records. He keeps genuine to his anti-corruption plan, also amongst the others vying for presidency he doesn’t always have corruption issues. We found him one time on a celebration, this individual looks so good and well-defined and i want to add a suitable guy as well.

Leave a Reply