Transcript of Interview with Sen. Manny Villar With Ely Saludar (DZXL)
Q: Sa ika-apat na araw po ng Maguindanao massacre marami talaga ang nalulungkot at patuloy na kumokondena at nag-aabang sa hustisya sa mga naging biktima nitong Maguindanao massacre?
Villar: Alam mo talagang maraming naghihintay dyan at ngayon kailangang ipakita ng Pangulo ang kanyang liderato at hindi naman papayag ang ating mga kababayan na walang mangyari dito sa massacre na ito. Masyadong grabe ang nangyari at ang hustisya ay kinakailangang maipakita. Sa palagay ko ito’y dapat kunin ng pangulo na ipakita ang kanyang liderato bilang pagka-pangulo, kinakailangan may mangyari agad dito at lahat naman ay naghihintay ng isang mabilis na aksyon sa panig ng ating sandatahang lakas.
Q: Marami po ang obserbasyon at persepsyon na masyadong mabagal ang pag-aksyon po ng ating awtoridad sa kasong ito. Kayo ho ba, ito ang pananaw ninyo?
Villar: Syempre. Pang-apat na araw na wala pa ring nangyayari. Yung ganitong klaseng krimen dapat mabilis ang aksyon, lalong-lalo na may mga pangalan na lumilitaw na siyang responsable sa nangyaring massacre. Kaya nakaantabay ang buong Pilipinas at maghihintay sa ipakikitang liderato ng ating pangulo.
Q: Senator habang hinihintay natin yung hustisya sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen, ano po ang posibleng maitulong natin sa mga biktima ng massacre? Kabilang din po yung mga taga-media na naging biktima nitong karumal-dumal na krimen?
Villar: Nandito ako sa Mindanao ngayon, titingnan ko din kung ano ang magagawa kong tulong dito sa ating kaibigang nasawi at lahat ng pamilya ng nakasama rito sa massacre. Isa tayo sa mga tutulong dyan, pinag-aaralan ko ngayon ang sitwasyon at nakikipag-usap sa mga leader dito sa Mindanao kung ano ang dapat gawin dito sa nangyari.
Q: Bilang Senador at kung saka-sakali na kayo ay maluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa matapos po ang 2010 election. Sir, ano po yung mga posbleng sabihin natin upang wag nang maulit yung ganitong karumal-dumal na insidente dyan po sa Maguindanao at sa buong bansa?
Villar: Mahalaga na palakasin ang ating sandatahang lakas. Mahalaga na mabilis ang galaw nila. Mahalaga na para maiwasan natin yung mga ganitong pangyayari na i-build up natin kapasidad ng sandatahang lakas na anumang oras ay pwede nilang implementa ang ating batas o rule of law. Dapat madis-armahan yung mga dapat na madis-armahan at maipanumbalik ang katahimikan ng mabilisan. Maliwanag dito na hindi lamang dapat magpakita ng katapangan ang ating sandatahang lakas, kundi pati ang pangulo ay kinakailangang may kapasidad kaagad.
Q: Samantala Senator, isisingit ko na rin itong oathtaking ni Gov.Malanyaon
Villar: Tuloy yan.
Q: So marami-rami ho itong patuloy na umaanib dito po sa Nacionalista Party Mr. Senator?
Villar: Napakarami, kahapon ay sumali si Mayor Eusebio ng Pasig sampu ng lahat ng kanyang mga opsiyales at halos pitong daan na mga bagong saling opisyal ang na-swear in natin kahapon at ngayon naman ay nandito tayo sa Mindanao ngayon at meron ding mga sasali dito sa partido. Handang –handa na po ang partido at talagang nakakataba ng puso ang dami ng mga sumasali sa atin.
Q: Panghuli po Senator Villar, ang inyo pong panawagan o pahayag sa gitna ng ilan nating mga kababayan na parang nawawalan ng tiwala sa ating batas dahil sa kanilang persepsyon ay masyadong mabagal nga yung pag-aksyon sa Maguindanao massacre?
Villar: Nananawagan tayo sa ating mga nanunungkulan lalung-lalo na sa pangulo na ito’y kailangan na nilang gawin at obligasyon ng isang pangulo at para maipakita ang kanyang liderato. Sa mga ganitong pangyayari kinakailangan ng mabilis na aksyon at hindi papayag ang mga mamamayan na walang makikita na gagawin ang pamahalaan . Palagay ko naghihintay ng instruction ang ating mga pulis maski ang ating mga sandatahang lakas sa ngayon kung ano ang gagawin. Ako’y naniniwala na kaya naman ng sandatahang lakas natin yan, ang kailangan lamang ay isang maliwanag na instruksyon mula sa pangulo.
Read More on Leyte Samar Daily Express
- Transcript of interview in DZRH with Joe Taruc with Sen. Manny Villar
- Transcript of interview with Sen. Manny Villar
- Villar’s anti-poverty platform gets good review
- On Human Rights Day Villar calls for justice, indemnity for human rights violation victims
- NP expects demolition job vs Villar as ratings improve