Tour Leyte

Tour the beautiful island of Leyte
Register to post your own Articles and Photos on Leyte. Click Register.

Transcript of interview in DZRH with Joe Taruc with Sen. Manny Villar

Q : Marami ang nagtatanong kung ano ang mga naging dahilan at ang napili ninyo bilang Vice Presidential Candidate o ka-tandem ay si Senator Loren Legarda?

Villar : Yung aming mga ipinaglalaban kasi ay magandang kombinasyon dahilan sa alam mo naman na aking ipinaglalaban talaga ay yung mga mahihirap, kung paano iaahon yung mga mahihirap sa kanilang kalagayan ngayon at yung pagpapasigla ng ating ekonomiya para makapagbigay ng maraming trabaho at nakita ko rin naman yung pagmamahal ni Loren sa ating kalikasan at nakikita ko na yung tinatamaan ng global warming ay yun ding ating mga mahihirap na kababayan kaya nakita ko na magandang kombinasyon ito at nakikita ko rin naman na marami sa miyembro ng NPC ay gusto rin naman tayo bilang pangulo kaya nakikita ko na logical naman o tamang-tama ang kombinasyon kaya si Loren ang ating napili.

Q : Hindi ho ba naging hadlang yung inyong hidwaan before ni Senator Loren sa inyong ginawang pagpili sa kanya bilang Vice-Presidential tandem?

Villar : Alam mo ang hidwaan naman namin ay pangkaraniwan sa Senado at masasabi naman natin na sa merong ka-hidwaan ay hindi naman si Loren ang mga namumuno dun at yung makulit dun ika nga. Ito’y mga normal na pangyayari sa Senado at walang kinalaman yun sa aming mga kanya-kanyang mga adbokasya o mithiin kaya dito kasama siya sa mga nagpa-imbestiga sa atin nakita niya na wala naman tayong kasalanan so pumirma siya. Kaya sabi ko nga maayos din naman at objectibo at ito talaga ang aking nakikita na dapat na ka-partner.

Q : Mr. Senator nung kayo’y nag-iisa lang na kumakampanya sa pagka-pangulo, alam ho namin naglibot na kayo sa iba’t ibang panig ng ating bansa ay marami nang lumilipat sa inyong partidong Nacionalista Party ito ho kaya ay lalo pang madadagdagan ngayong si Senator Loren ay inyo nang kasama sa paglilibot?

Villar : Alam mo nung i-proclaim namin si Loren bilang pangulo ay maraming mga congressman na hindi ko dating nakikita ang pumunta roon at kahit papano ay malaking tulong hindi lamang dahil siya ay galing sa NPC kungdi magandang kombinasyon at maraming naniniwala na maganda ang ibubunga nito kahapon lamang ay kulang kulang na 600 ang nanumpa sa atin at dumarami pa ang sumasali sa Nacionalista Party Meron si Gov. Malanyaon, Congressman Dalanghirang, Congresssman Fabian at marami pang mga malalaking pangalan ang sumama sa ating kahapon at it po’y patunay na sa palagay ko ay nakikita nila na ito yung partido na makakatupad sa pangarap ng ating bayan.

Q : Mr. Senator pawiin lang po natin yung alinlangan sa isipan ng ilan nating mga kababayan , kasi marami ang nag-iisip, naku kaya maraming sumasali sa Nacionalista Party kaya maraming nanunumpa kay Sen. Villar siguro binabayaran o sinusuhulan.

Villar : Alam mo wala kong binibigyan ng pera diyan at sabi ko nga doon sa mga naiinggit siguro dapat pag-aralan nila rin yung pakikisama at para sa ganun ay maintindihan nila na ang tao naman ay kung may pakikisama ka, ay sinasamahan din ng mga kaibigan. Ang totoo niyan, ang masasabi ko lang na yung aking pera naman ay galing sa sipag at tiyaga yan, sa dugo at pawis, hindi ko po iyan ipinamimigay ng basta-basta. Ipinamimigay ko po yan sa mga mahihirap at marami po akong ginagastusan na mga proyekto para sa mga OFW, para sa mga nasasalanta ng bagyo, para sa mga kabataang nagsasarili, pero hindi ko nakikita na gagastusin ko ng malaki yan sa larangan ng pulitika.

Q : Isang major issue na iniharap sa inyo sa kasalukuyan at maaaring pinoproblema ninyo ay itong Ethics Committee Investigation na ginagawa sa Senado ano po ba ang tingin ninyo dito Senador Villar?

Villar : Unang una ethics committee lamang yan at yan ay para sa amin (senado) lamang, hindi naman yan capital crime ika nga at yan naman ay inimbento lamang ng ating mga Presidentiables nung araw. Lahat naman ng nagsasalita diyan ay puro presidentiables lamang, lahat ng witnesses diyan na tinawag nila ay nakita nilang wala akong kasalanan at yun ang sinabi. Kaya sa isang banda, bagamat hindi ako sumasang-ayon nun dahil sa talagang maliwanag naman na napagkaisahan lamang ako at wala naman akong kasalanan. Mabuti na rin na ito mismong mga witnesses nila ay nagsabi lahat na wala tayong kasalanan kaya naman mayorya sa mga senador ay nagsabing yun ang kanilang nakita. Kaya ako’y natutuwa at kahit papaano’y sa mata ng higit na nakararaming mga Senador ay tayo’y walang sala at sa isang institusyon na gaya ng Senado ang mayorya siyempre ang nakakapangyari.

Q : Senator Villar, isa po sa matalik ninyong kaibigan at matatag na lider pulitika si Senador Ralph Recto, dating NEDA Secretary-General ay ang inaasahan ng ating mga kababayan na kung siya’y kakalas sa administrasyon, ang kanyang lilipatan ay ang partido na inyong kinaaniban- ang Nacionalista Party. Ano po ba ang naging usapan ninyo, nagkaroon po ba ng usapan bago siya umalis doon sa Lakas at lumipat po dito sa Liberal Party?

Villar : Alam mo naman tayo hindi naman tayo nagtatanim ng sama ng loob kaibigan natin si Ralph at iginagalang ko na lamang ang kanyang naging pasya. Siyempre naman nalulungkot ako dun dahil sa kaibigan ko si Ralph pero ganyan talaga at yan naman ay tinatanggap natin, mas pinili niya yung Liberal Party, yun ay tinatanggap ko. Marami naman sa atin ay sumasama din at kami naman ay mananatiling magkaibigan maski ganun ang nangyari.

Q : Kelan po ang official proclamation ng Partido Nacionalista para sa 2010 candidates?

Villar : Marami pa kasing humahabol at gustong sumali kaya yung dapat na sa ika-23 na una naming plano ay malamang ipostpone namin, mga siguro dagdag pang 4 o 5 limang araw para mapagbigyan yung mga humahabol pa na gustong sumama sa proklamasyon.

Q : What about yung senatorial line up ng Nacionalista Party?

Villar : Halos tapos na at nire-refine na lang namin at nahahanda na kaming i-announce, baka advance pa sa proklamasyon ay mai-announce na namin yung kumpletong lineup. Inuna lang namin yung announcement ng Vice-President pagkatapos ay yung Senatorial lineup naman ang susunod na ating i-aannounce.

Q : In other words complete line up mula sa national hanggang local levels?

Villar : Kumpleto , hanggang mayor ay meron tayong kandidato.

Bookmark and Share

Read More on Leyte Samar Daily Express

Posted in Local News 3 months, 3 weeks ago at 3:20 am.

Add a comment

No Replies

Feel free to leave a reply using the form below!


Leave a Reply